Pulitika dapat isantabi sa isyu ng COVID-19 ayon kay Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon March 25, 2020 - 09:07 AM

Ipinasasantabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga lider ng bansa ang pulitika at magkaisa para labanan ang coronavirus disease o COVID-19.

Ayon kay Cayetano, dapat alisin muna ang toxic environment na ating nakasanayan bago pa man maging problema ang COVID-19 sa bansa.

Sinabi din ni Cayetano na ito ang panahon na dapat ay ginagawa ng lahat ang kanilang tungkulin sa mamamayan at sa bansa.

Marami pa anyang pagdadaanan ang bansa kaya dapat ay makagawa ng paraan na magtulungan at magkaisa ang lahat sa pamamagitan ng pagsantabi sa mga usaping politikal.

Nakiusap naman si Cayetano sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang presidente at ang buong sangay ng ehekutibo na maipatupad ang mga hakbang na kailangang gawin para labanan ang COVID-19 sa ilalim ng dagdag na kapangyarihan na ibinigay dito ng Kongreso.

Hindi gawa-gawa lamang “Bayanihan to Heal as One Act” na nilagdaan na nga ng pangulo dahil ilang araw itong pinagpulungan at dumaan ito sa konsultasyon ng mga eksperto bago naipasa ng Kongreso.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, speaker cayetano, special authority, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, speaker cayetano, special authority, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.