Tokyo Olympics sa 2021 na lamang isasagawa dahil sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo March 25, 2020 - 06:53 AM
Tuluyan nang ipinagpaliban ang pagdaraos ng Tokyo Olympics ngayong taon.
Ito ang napagkasunduan nina Japanese Prime Mnister Shinzo Abe ay ni International Olympic Committee President Thomas Bach.
Ayon kay Abe, 100 percent na sang-ayon si Bach sa pagkansela ng Tokyo Olympics dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito aniya ang pinakamabuting gawin para matiyak ang kaligtasan ng mga atleta at spectators.
Sa halip ay sa summer ng 2021 na lamang gagawin ang Olympics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.