Mga post sa social media na huminto na umano ang RITM sa COVID-19 testing, hindi totoo – DOH

By Angellic Jordan March 24, 2020 - 09:33 PM

Photo grab from DOH Facebook video

Pinasinungalingan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat na posts sa social media na hindi na umano nagpoproseso ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng COVID-19 testing.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi totoo na tumigil sa pagsusuri ang RITM dahil sa biosafety hazards.

Tuluy-tuloy pa rin aniya ang pagsusuri ng RITM ng mga sample.

Muli namang nagpaalala si Vergeire sa publiko na maging maingat sa pagkakalat ng mga impormasyon lalo na sa social media.

Giit nito, buhay at kaligtasan ang kaakibat ng bawat ibinabahaging impormasyon sa social media.

TAGS: COVID-19, COVID-19 testing, RITM, Usec. Maria Rosario Vergeire, COVID-19, COVID-19 testing, RITM, Usec. Maria Rosario Vergeire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.