BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 552

By Angellic Jordan March 24, 2020 - 05:15 PM

Patuloy na tumataas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (March 24), nasa 552 na ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa bansa.

90 ang bagong napaulat na bagong kaso sa bansa sa nakalipas lamang na magdamag.

Ito na ang pinakamataas na naitalang kaso sa bansa sa loob lamang ng isang araw.

Samantala, sinabi pa ng DOH na nadagdagan ng dalawa ang bilang ng mga naka-recover sa nakakahawang sakit dahilan para umabot sa 20.

Sinabi ng kagawaran na dalawa rin ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi bunsod ng virus.

Dahil dito, 35 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa bansa.

TAGS: COVID-19, COVID-19 in the Philippines, doh, COVID-19, COVID-19 in the Philippines, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.