LOOK: Bayanihan Musikahan ikinasa ng OPM artists para makalikom ng donasyon

By Dona Dominguez-Cargullo March 24, 2020 - 06:53 AM

Araw-araw na concert sa pamamagitan ng FB live ang isinasagawa ng mga OPM artist para makalikom ng pondo upang maipangtulong sa mga pamilyang apektdo ng lockdown dahil sa COVID-19.

Sa Facebook Page na “Bayanihan Musikahan” mapapanood ang concert tuwing hapon hanggang gabi.

Ngayong araw ng Martes, March 24 ay apat na OPM artists ang nakatakdang mag-perform.

Alas 4:00 ng hapon si Jim Paredes, alas 7:00 ng gabi si Lara Maigue, alas 8:00 ng gabi si Glov-9 at alas 9:00 ng gabi si Ice Seguerra.

Ito na ang ikaanim na gabi ng Bayanihan Musikahan.

Sa nakalipas na limang araw ay umabot na sa P9,686,950 ang nalikom na donasyon.

Para sa mga nais magbigay ng donasyon, narito ang mga paraan:

BPI
go to donation.ph/pbsp

BDO
Account name: Philippine Business for Social Progress
Account #: 0044800-99851
Swift Code: BNORPHMM

TAGS: bayanihan musikahan, COVID, COVID-19, covid-19 in ph, donation, Health, help, Inquirer News, opm, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bayanihan musikahan, COVID, COVID-19, covid-19 in ph, donation, Health, help, Inquirer News, opm, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.