Pampasaherong bus nagliyab habang binabagtas ang EDSA
Sunog na sunog ang isang pampasaherong bus matapos bigla na lamang magliyab habang binabagtas ang northbound lane ng EDSA sa bahagi ng Ortigas.
Ang Elavil bus na may plate number EVS 659 ay galing sa Sorsogon at patungo na sa terminal nito sa Cubao nang maganap ang insidente.
Napansin umano ng isa sa mga pasahero na umuusok ang likurang bahagi ng bus.
Mabilis namang nakababa ang aabot sa 30 pasahero ng bus bago pa ito tuluyang magliyab.
Hinala ng driver na si Joseph Bermeo, electrical wiring ang dahilan ng pagliyab ng bus.
Pasado alas 4:00 ng umaga nang masunog ang bus pero pasado alas 6:00 na ay hindi pa rin ito naiaalis sa EDSA, dahilan para magdulot ito ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa northbound lane.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.