Suspensyon ng mga aktibidad ng PBA, pinalawig pa

By Angellic Jordan March 23, 2020 - 11:51 PM

Pinalawig pa ang suspensyon ng mga aktibidad ng Philippine Basketball Association o PBA.

Sa inilabas na memorandum, sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na palalawigin ang dalawang linggong break ng team practices, scrimmages at iba pang aktibidad.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ng enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Matatapos sana ang two-week break sa Biyernes, March 27.

Ani Marcial, “until further notice” epektibo ang suspensyon ng mga aktibidad ng PBA.

Humingi naman ng kooperasyon ang PBA at hinikayat ang lahat na manatiling fit at malusog para sa kaligtasan mula sa virus.

“Please continue to follow the guidelines set by our government health workers and standby for updates,” nakasaad pa sa memorandum.

TAGS: COVID-19, enhanced community quarantine, PBA, PBA Commissioner Willie Marcial, COVID-19, enhanced community quarantine, PBA, PBA Commissioner Willie Marcial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.