World leaders, kinundena ang missile launch ng Nokor

By Kathleen Betina Aenlle February 08, 2016 - 06:09 AM

Nokor Reuters Photo Feb 8Sama-samang kinundena ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa ang paglulunsad ng North Korea ng kanilang long-range missile.

Tuluyan nang nai-launch ang rocket mula sa west coast ng North Korea, dalawang oras lang matapos ang walong araw na launch window.

Magkakahiwalay na maiging sinusundan ng United States, Japan at South Korea kung saan patungo ang nasabing rocket.

Para kay South Korean Pres. Park Geun-hye, isa itong ipinagbabawal na testing ng mapanganib na ballistic missile technology.

Wala namang naitalang pinsalang naidulot ang debris mula sa rocket launch.
Dahil dito, agad na nagpatawag ng emergency meeting sa United Nations Security Council ang US at ang Japan dahil sa sinasabi nilang paglabag ng Pyongyang sa council ban on ballitic missile launches.

Bukod kay Park, binatikos rin ito ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe, kasabay ng pangakong pag-protekta sa kanilang mga mamamayan.

Tinawag naman itong “major provocation” ni US Secretary of State John Kerry na nagdudulot ng panganib hindi lamang sa Korean Peninsula, kundi pati sa ibang rehiyon at sa Amerika.
Ayon naman kay US National Security Adviser Susan Rice, isa itong “flagrant violation of multiple United Nations Security Council resolutions.”

Nakiisa na rin ang Pilipinas sa pag-kundena sa nasabing hakbang ng North Korea, at sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), hinimok nito ang NoKor na tuluyan nang itigil ang kanilang nuclear at ballistic technology programs.
Inulit naman ng DFA na handa ang Pilipinas na makipatulungan sa mga international parners para matiyak ang kapayapaan at seguridad ng buong mundo.

TAGS: north korea, north korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.