‘Medical board takers’ i-deploy na sa giyera vs COVID-19 – Sen. Tolentino

By Jan Escosio March 23, 2020 - 02:37 PM

Inihirit ni Senator Francis Tolentino sa Professional Regulation Commission (PRC) na i-waive lang ang huling dalawang physician licensure examinations (PLEs) ng higit 1,500 medical school gradutes.

Ito aniya ay para maisabak na sila ng Department of Health (DOH) sa giyera sa COVID-19 at ipinarating na niya ito kay Health Sec. Franciso Duque III.

Sinabi pa ni Tolentino na ang ‘medical board takers’ ay maaring italaga sa local government hospitals at maayudahan ang ‘frontliners.’

Binanggit ni Tolentino ang Republic Act No 2382 o ang Medical Act of 1959, kung saan aniya may nakasaad na ang medical students na nakakumpleto ng apat na taon na medical course, medicine graduates at registered nurses ay maaring magbigay ng serbisyong medikal tuwing may epidemiya at national emergencies.

Aniya, kailangan lang bigyan sila ng awtorisasyon ng kalihim ng DOH at hindi na kailangan pa ng certificate of registration.

Katuwiran ni Tolentino sa kanyang panukala, dahil may national health crisis, kailangan na kailangan ng tulong ng health workers sa pagbibigay proteksyon sa mamamayan at para na rin sa pagsagip sa mga buhay.

Nabatid na 1,524 medicine graduates ang nakakuha ng PLE noong Marso 8 at 9 ngunit ipinagpaliban na ang kasunod na eksaminasyon noonG Marso 15 at 16.

Nabanggit ng senador na sa Italy, 10,000 medical graduates ang hindi na pinakuha ng PLE para makatulong na sa pagsugpo sa COVID-19.

TAGS: COVID-19, Francis Tolentino, medical board takers, COVID-19, Francis Tolentino, medical board takers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.