LOOK: Special session ng Kamara para sa pagdedeklara ng State of National Emergency
Sumasalang na sa interpelasyon sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 6616 o ang Bayanihan Act na nagdedeklara ng National Emergency para tugunan ang Coronavirus Disease o COVID-19 matapos na aprubahan ito ng binuong Committee of the Whole ng Kamara.
Sa ilalim ng panukala, binibigyang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19.
Sa pagtatanong ni Minority Leader Benny Abante, nilinaw ni House Deputy Speaker for Finance LRay Villafuerte na hindi malalabag ang Saligang Batas dahil may limitasyon at restrictions na ipinatutupad sa national emergency.
Bibigyan din nito ng kapangyarihan ang pangulo na mag-direct ng operation sa public utilities at private institution kabilang na ang mga hotel at ospital na maaring gamitin na pagdadalhan ng mga postibo sa COVID-19, person under investigation at person under monitoring kapag wala nang mapagdalhan na government institutions.
Naglalayon ito na matugunan ang mga pangangailangang serbisyo upang labanan ang Coronavirus lalo na sa frontliners, mga nagkasakit na ng Coronavirus gayundin ang lahat ng apektado ng enhanced community quarantine.
Pabibilisin din ng panukala ang pagbili ng mga kinakailangan equipments dahil aalisin nito ang restrictions sa ilalaim ng Procurement Law.
Kabilang sa mga dapat bilhin ay ang mga medical equipment, kits, goods gayundin ang pagtatayo ng infrastructure at iba pang serbisyo.
Bibigyan din nito ng kapangyarihan ang pangulo na mag-dirtect ng operation sa mga public utilities at private institution kabilang na ang mga hotel at ospital na maaring gamitin na pagdadalhan ng mga postibo sa COVID-19, person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM) kapag wala nang mapagdalhan na government institutions.
Kapag naging ganap na batas tatagal lamang ang bisa nito sa loob ng dalawang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.