IATF: Walang patakaran na “No face mask, No entry” sa mga supermarket

By Chona Yu March 23, 2020 - 01:38 PM

Nilinaw ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases na walang ipinalalabas na kautusan na hindi maaring pumasok sa mga supermarket ang sinumang walang suot na face mask sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa Laging handa briefing, sinabi ni Cabinet Secretary at IATF spokesman Karlo Alexi Nograles na walang patakaran na “no facemask, no entry” sa mga supermarket.

Ilan sa mga supermarket sa Metro Manila ang naglagay na ng paskil sa mga pintuan na hindi maaring makapasok ang walang suot na face mask.

Ayon kay Nograles, tanging ang social distancing lamang ang ipinag-uutos ng IATF.

“Wala naman kaming inilabas na patakaran mula sa Inter-Agency Task Force na kailangan magsuot ng mask bago pumasok sa mga supermarket. Ang patakaran, magkaroon ng social distancing sa mga supermarket ganun na lang ang sundin,” pahayag ni Nograles.

Nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon hanggang sa April 12 kung saan mahigpit na ipinatutupad ang home quarantine o pananatili muna sa bahay para makaiwas sa COVID-19.

TAGS: Cabinet Secretary Karlo Nograles, COVID-19, enhanced community quarantine, IATF, No entry, No face mask, Cabinet Secretary Karlo Nograles, COVID-19, enhanced community quarantine, IATF, No entry, No face mask

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.