P8,000 na tulong sa “isang kahig isang tuka” na pamilya isinulong sa senado

By Jan Escosio March 23, 2020 - 12:32 PM

Isinulong ni Senate President Vicente Sotto III sa special session ng Senado na mabigyan ng tulong pinansiyal ang 18 milyon mahihirap na pamilya sa buong bansa na lubhang apektado ng krisis dala ng COVID-19.

Ayon kay Sotto ang ikinukunsidera ay P16,000 sa dalawang buwan kada mahirap na pamilya.

Paliwanag nito, ang Department of Finance at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magtutulong sa pagpapalabas ng pondo sa LGUs para maayos na maipamahagi ang tulong pinansiyal.

Pagtitiyak pa ni Sotto tutukan ng Kongreso ang pamamahagi ng pera para masiguro na makakatanggap ang lahat ng mga nangangailangan.

Nilinaw din nito walang nakapaloob na pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte ang panukala para sa ilalabas na pondo dahil siya mismo ang awtor ng panukalang-batas.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Senate, senate reso, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Senate, senate reso, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.