Health workers hindi kailangan ng accreditation para makalusot sa checkpoints
Hindi na kailangan ng health workers na kumuha ng accreditation ID mula sa pamahalaan para hindi na maharang sa mga itinayong checkpoint para sa COVID-19.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na sapat na ang Professional Regulatory Commission (PRC) ID o hindi kaya ay ang ID mula sa mga ospital o establisyimento na kanilang pinagtatrabahuan.
Hindi na aniya kasama sa March 26 deadline ang mga health worker.
Matatandaang sinabi ni Nograles na maglalabas ng special ID ang International Press Center para sa mga media na nagco-cover sa COVID-19 at iba pang frontliners.
Itinakda ang deadline ng pag-iisyu ng ID sa March 26.
Ayon kay Nograles, ayaw ng pamahalaan na mahirapan pa ang mga healthworkers na kumuha ng ID.
Nagpapasalamat aniya ang panahalaan sa mga health workers na real life heroes.
“They are the real life heroes. We thank you for your sacrifice for our nation. Alam ko kung gaano kahirap ang tungkulin niyo. Hindi na kayo pahihirapan, sapat na ang PRC ID ninyo o ID mula sa mga hospital,” pahayag ni Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.