Kalidad ng hangin sa Metro Manila bumubuti ayon sa DENR
Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagganda ng kalidad ng hangin sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng isang linggo nang pag-iral ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sa inilabas na datos ng DENR-NCR, alas 8:00 ng umaga ngayong araw ng Lunes March 23 ay maayos ang kalidad ng hangin sa maraming lungsod sa NCR.
Good ang air quality sa Marikina, Malabon, San Juan, Pasay, Taguig at Paranaque City.
Habang moderate/fair naman sa North Caloocan, Pasig, Makati at Las Pinas City.
Ito ay bunsod ng kakaunting sasakyan na bumibiyahe dahil sa suspensyon ng klase at pasok sa trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.