Special powers para kay Pangulong Duterte, dapat lamang – Rep. Salceda
Naniniwala si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na kailangan nang mabigyan ng Kongreso ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte upang malabanan ang coronavirus disease o COVID-19.
Sabi nito, kailangan ang emergency powers upang mapalawak pa ang kapasidad ng pamahalaan upang mabilis at epektong makatugon sa public health emergency. Ito ayon kay Salceda ang dahilan kung bakit siya nanawagan noong nakalipas na linggo ng virtual session.
“It’s absolutely necessary at this point. That’s why I asked Congressional leaders to call for a virtual session of Congress last week. The country needs it,” ani Salceda.
Kumpyansa rin ito na makakakuha ng sapat na bilang ang Kamara upang makagawa ng batas na nagbibigay ng emergency powers sa pangulo.
Sabi nito, “I think we can muster some 250 members, at least, in some form, either physically present or virtually.”
Ngayong araw magkakaroon ng special session ang Kamara kung saan dalawampung kongresista lamang ang papayagan sa loob ng plenaryo habang ang iba naman ay maari ring lumahok sa mga debate sa pamamagitan ng online conference.
Makaboboto naman ang hindi physically present gamit ang social media o kaya naman ay instant messaging.
Sabi ng mambabatas kailangan gawing exempted sa procurement law ang pagbili ng mga medical at essential supplies para sa mga frontliners.
“I will especially support provisions to exempt the purchase of necessary medical supplies and other essential goods from the procurement law, as well as support for our frontliners,” saad ni Salceda.
Sa mga nakalipas na araw sinabi ng mambabatas na kailangan din na mabigyan ng subsistence allowance ang mga mahihirap na apektado ng enhanced community quarantine at maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng emergency powers na ibibigay sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.