Temperatura sa San Jose, Occidental Mindoro kahapon umabot sa 37.5 degrees Celsius
Nakapagtala ng mainit na temperatura sa maraming lugar sa bansa kahapon, March 22.
Sa datos mula sa PAGASA, 37.5 ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City kahapon.
Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:
Tuguegarao City – 36.7 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 36 degrees Celsius
Echague, Isabela – – 36 degrees Celsius
Catbalogan City – 35.5 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 35.5 degrees Celsius
Umabot naman sa 34.6 degrees Celsius ang naitalang highest temperature sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 37 degrees Celsius ganap na alas 2:53 ng tanghali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.