“Scratch cards” gagamitin ng kampo ni Duterte para makalikom ng pondo

By Kathleen Betina Aenlle February 08, 2016 - 01:52 AM

Rodrigo-Duterte-1124Maglu-lunsad ang kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng kakaiba at malinis na paraan sa pangangalap ng pondo para sa kampanya.

Mababatid na naninindigan ang alkalde sa hindi pagtanggap ng pera mula sa kwestyonableng sources tulad ng iligal na droga, sugal at mga kumpanyang may kontrata o transaksyon sa pamahalaan.

Ngayong linggo, ilalabas na ng kampo ni Duterte ang scratch cards bilang paraan para mabigyan ng pagkakataon ang kaniyang mga taga-suporta na makapag-donate ng pera para sa kaniyang campaign fund.

Ayon sa tagapagsalita ng Contributor Card project ng kampo ni Duterte sa Mindanao na si Daisy Encabo, magkakaroon ng P25, P50, P100, P500, P1,000, P5,000, P10,000, P25,000, P100,000 at P500,000 na halaga ng mga scratch cards ang maaring mabili mula sa mga campaign coordinators nila.

Kailangang i-scratch ng bibili ang likod ng card para makita ang personal identification numbers (PIN) at letters, na ipapadala sa isang phone number kasama ng kaniyang pangalan at address para ito ay pai-register.

Sa ganitong paraan, ang personal na impormasyon ng nag-donate ng pera kay Duterte ay mapupunta sa kanilang data system.

Ani Encabo, dahil dito kakayanin na rin ng ordinaryong mamamayan na makapagbigay ng kanilang sariling tulong sa kampanya ni Duterte.

Sa pamamagitan rin aniya nito, imbis na ibenta nila ang kanilang boto, mistulang sila pa ang bibili ng kanilang kandidato.

TAGS: Rodrigo Duterte, scratch card to donate fund for duterte's campaign, Rodrigo Duterte, scratch card to donate fund for duterte's campaign

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.