Dalawang Filipino sa Brunei, India nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Filipino ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Brunei Darussalam at India.
Ayon sa Ministry of Health ng Brunei Darussalam, stable ang kondisyon ng Filipino na naka-confine sa isang lokal na health facility sa bansa.
Samantala, isa pang Filipino ang nagpositibo sa nakakahawang sakit sa India.
Dumating ang Pinoy sa India noong Marso at dinala sa ospital matapos makaramdam ng hirap sa paghinga.
Sa ngayon, naka-confine ang pasyente sa isang ospital sa Mumbai.
“The Philippine Embassies in Brunei Darussalam and in India are in close coordination with the Ministry of Health of Brunei Darussalam and the Philippine Honorary Consulate in Mumbai, respectively, and shall extend appropriate assistance to ensure that our kababayans are afforded with maximum care and support,” dagdag ng kagawaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.