Dalawang kaso ng COVID-19, naitala sa Laguna

By Angellic Jordan March 22, 2020 - 11:44 AM

Nakapagtala na ng dalawang kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Sa Facebook, sinabi ni Governor Ramil Hernandez na dalawa na ang kaso ng nakakahawang sakit sa lalawigan hanggang 9:00, Sabado ng gabi (March 21).

Naitala ang ikalawang kaso sa Sta. Rosa na residente ng isang subdivision sa Barangay Macabling.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente.

Samantala, nasa 199 ang persons under investigation (PUIs) sa Laguna.

1,376 naman ang ongoing persons under monitoring (PUMs). 457 sa nasabing bilang ay cleared na.

TAGS: COVID-19, Gov. Ramil Hernandez, laguna, Sta. Rosa, COVID-19, Gov. Ramil Hernandez, laguna, Sta. Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.