Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan sa magdamag

By Angellic Jordan March 22, 2020 - 10:15 AM

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division dakong 6:00, Linggo ng umaga (March 22), nasa 198.79 meters ang lebel ng tubig sa dam.

Mas mababa ito kumpara sa 199.38 meters na lebel nito noong Sabado (March 21).

Nabawasan din ang tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.

Samantala, tumaas naman ng bahagya ang tubig sa La Mesa Dam.

Nanatili pa rin sa 101 meters ang tubig sa Ipo Dam.

TAGS: Angat Dam, PAGASA hydrology division, Angat Dam, PAGASA hydrology division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.