Dry run ng pag-iimprenta ng mga balota para sa eleksyon sa Mayo, isasagawa bukas
Magsasagawa ang Commission on Elections ng dry-run ng pag-iimprenta ng mahigit 55 milyong balota para sa May 9 elections sa National Printing Office sa Quezon City bukas, araw ng Lunes. Ang orihinal na schedule ng pagsisimula ng ballot printing ay noong January 26 ngunit dalawang beses ito ipinagpaliban noong Februry 1 at bukas, February 8.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, kasama sa pagsisimula ng ballot printing ang dry run ng aktwal na proseso. Gagamitin ng Comelec ang tatlong Canon printers sa NPO sa pag-iimprenta ng mga balota.
Nakalaan aniya ang mga balota para sa mga registered voters sa bansa na aabot sa mahigit 50 million at isang milyon na overseas absentee voters.
Target ng Comelec na matapos ang pag-iimprenta ng mga balota sa April 25. Makikita sa harapan bahagi ng balota ang pangalan ng mga kandidato para sa pagka-presidente, bise presidente, senador at partylist groups habang sa likod na bahagi ay ang pangalan naman ng mga kandidato sa local positions katulad ng mayor, governor at councilor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.