COVID patient na tumakas sa ospital sa QC hinahanap na ng PNP
Pinaghahanap na ngayon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang pasyente na napaulat na nagpositibo sa COVID-19 at pagkatapos ay tumakas sa isang ospital sa Quezon City.
Ayon kay QCPD chief Col. Ronnie Montejo, base sa impormasyon mula sa Epidemiology and Disease Surveillance ng Quezon City Health Department at mga opisyal ng barangay sa lungsod, ang lalaing pasyente ay nasa edad 50 at residente ng Barangay Tandang Sora.
Hindi rin umano totoo ang idineklarang address ng lalaki dahil nang puntahan ito ng mga otoridad ay hindi siya kilala ng mga residente sa lugar.
Ayon kay Montejo inaalam pa nila ang mga impormasyon partikular kung kailan tumakas ng ospital ag pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.