Hotel sa Baguio magsisilbing containment center para sa mga PUI
Isang hotel sa Baguo City ang magsisilbing containment center sa itinurturing na persons under investigation (PUIs) sa COVID-19.
Ang Lindi Hotel sa Legarda Road ang pagdadalhan sa mga PUI na mayroong mild na sintomas lamang.
Ayon sa Baguio City Public Information Office, mayroong 34 na kwarto ang hotel ay kumpleto sa lodging facilities.
Libre itong ipagagamit sa City Government.
Nagsagawa na ng inspeksyon sa hotel sina City Administrator Bonifacio Dela Peña at City Health Officer Rowena Galpo.
Sisimulan na ang paglalagay ng medical equipment, houseekeeping system at iba pang kailangan sa nasabing hotel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.