Dalawang ospital tinukoy upang pagdalhan ng COVID patient
Nagtalaga na ang Department of Health (DOH) sa Metro Manila na para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Franvcisco Duque III, dalawa pa lamang ang natukoy nila sa ngayon at ito ay ang UP-Philippine General Hospital sa Maynila at ang Dr. Jose Rodriquez Memorial Hospital sa North Caloocan.
Sabi ng kalihim, binigyang pahintulot niya ang PGH na gawing exclusive para sa mga positibo sa COVID-19 ang isang gusali doon habang ang Dr. Jose Rodriquez Hospital na nasa ilalim ng pamamahala ng DOH ay gagawing specialized COVID hospital.
Posibleng sa susunod na linggo anya ay makapagsimula na ng operasyon ang mga ito bilang COVID-only hospital.
Dapat sana ay Lung Center of the Philippines ang gagawing COVID-only hospital pero dahil sa maraming cancer patient doon at mahihirapang ilipat ng ospital dahil sa mga machine na kailangan.
Gayunman, magtatagala na lamang ang nasabing ospital ng 40 isolation room para sa mga COVID-19 patients.
Nauna rito, nanawagan ang ilang mga private hospital sa bansa na magtalaga ang pamahalaan ng COVID-only hospital upang doon ibuhos ang resources ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.