Pamimigay ng P5,000 na tulong sa mga manggagawa sinimulan na ng DOLE
Inumpisahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng P5,000 tulong sa mga manggagawa na hindi nakapapasok sa trabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang mga manggagawa ay tatanggap ng tulong anuman ang kanilang employment status.
Ang pagbibigay ng tulong ay ibabase ng DOLE sa partial list na isinumite ng mga employers.
Ngayong Biyernes din sisimulan ng DOLE ang Tulong Pangkabuhayan sa Displaced/Underprivileged Workers (TUPAD) financial assistance program para sa mga informal workers.
Sa ilalim nito ay bibigyan ng pansamantalang trabaho ang mga manggagawang pinakaapektado ng umiiral na lockdown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.