BuCor, nag-disinfect sa Bilibid kasunod ng COVID-19 scare

By Angellic Jordan March 19, 2020 - 08:00 PM

Nagsagawa ng disinfection ang Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prison (NBP) kasunod ng banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay BuCor chief Gerald Bantag, layon ng disinfection na matiyak ang kaligtasan ng mga bilanggo at mahal nila sa buhay.

Bumili aniya ang ahensya ng misting machines, n95 mask, alcohol, gloves at disposable long sleeves(poncho) para sa hakbangin na napanatiling COVID 19-free ang kulungan.

“Sa kabila ng kakulangan ng supply sa merkado. Hindi po tayo tumitigil sa paghahanap ng resources para mapunuan at makumpleto ang kailangang proteksyon ng mga PDL,” dagdag ni Bantag.

Hinikayat din nito ang publiko na sumunod sa mga inilalabas na alituntunin ng gobyerno dahil kaligtasan lamang aniy ng bawat Filipino ang hangad ng pamahalaan.

TAGS: BuCor chief Gerald Bantag, Bureau of Corrections, COVID-19, new bilibid prison, BuCor chief Gerald Bantag, Bureau of Corrections, COVID-19, new bilibid prison

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.