Easterlies, patuloy na magdadala ng maalinsangang panahon sa bansa
Umiiral pa rin ang Easterlies o mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean sa malaking bahagi ng bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na patuloy na magdudulot ang Easterlies ng maalinsangang panahon hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Posible pa rin naman aniyang makaranas ng localized thunderstorm sa hapon o gabi sa buong bansa.
Sa Metro Manila, posibleng umabot sa 34 degrees Celsius ang mararamdamang init ng panahon lalo na sa tanghali at hapon.
Wala rin aniyang namamataang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.