PFDA, naglatag ng panuntunan para tiyakin ang seguridad sa Navotas Fish Port vs COVID-19
Pinatitiyak ng pamunuan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) sa Navotas Police Maritime Group ang mahigpit na implementasyon ng security at safety measures sa loob ng Navotas Fish Port Complex.
Ito ay bilang pagtalima sa Enhanced Community Quarantine na nakapaloob sa memorandum mula sa tanggapan ng Executive Secretary alinsunod sa Proclamation nos. 929 at 922 at Republic Act 11332.
Sa liham ni PFDA General Manager Glen A. Pangapalan kay PLtCol. Melvin L. Lagoros, chief ng Navotas MARPSTA ng Navotas Police Maritime Group ay inihayag nito ang mga ipatutupad na policy guidelines sa Navotas Fish Port Complex(NFPC).
Sinuman na gustong pumasok sa merkado ay kailangang sundin ang mga sumusunod na panuntunan:
-Nakasuot ng puting rubber boots at puting pang-itaas na damit para sa mabilis na monotoring;
– Dumaan sa foothbath na nakalagay sa designated areas;
– Nakasuot ng facemask;
– Limitahan ang bilang ng nga trabahador sa market halls at iba pang parte ng bisinidad ng NFPC para masiguro ang social distancing; at
– Suspindehin ang operasyon ng pedicab sa loob ng NFPC bilang public transport
Magtatalaga naman ng NFPC kaukulang isolation at holding area.
Ang NFPC designated isolation holding area facility o IAF ay nakapuwesto sa NFPC entrance gate.
Ang IAF ay magsisilbing holding area ng mga tao na posibleng kandidato bilang Person Under Investigation (PUI) kapag sila ay nakitaan ng mga sumusunod na sinyales; mataas na temperatura o aabot sa 37.8 degrees centigrade at may travel history sa mga bansang kontaminado ng COVID-19.
Hiniling din ni Pangapalan kay Lagaros na magtalaga ng dalawang roving personnel para i-monitor ang major business premises sa NFPC para matiyak na ang kasalukuyang mga inisyatiba at polisiya ay matagumpay na masusunod tungo sa hangarin ng gobyerno na huwag nang kumalat pa ang nakamamatay na virus dulot ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.