Mga pulitikong gagamit ng lansangan sa pangangampanya, kailangan ng permit sa MMDA

By Isa Avendaño-Umali February 07, 2016 - 12:32 PM

edsaNagbabala ang Metro Manila Development Authority o MMDA sa mga motorista ukol sa mas malalang daloy ng trapiko sa pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa May 9 Elections.

Ayon kay MMDA chairman Emerson Carlos, tiyak na kabi-kabila ang mga motorcade at campaign caravans ng mga kandidato na magdudulot ng matinding traffic.

Dahil dito, umapela si Carlos sa Commission on Elections o Comelec na atasan ang mga kandidato na kumuha muna ng permit bagao makapagsagawa ng mga motorcade o caravan.

Sa paraang ito, ani Carlos, makakapaglatag ang MMDA ng traffic management plan para sa buong campaign season.

Samantala, kinumpirma ni Carlos na kasabay ng pag-uumpisa ng campaign period sa February 09, magsisimula na rin ang MMDA sa kanilang Oplan Baklas.

Ani Carlos, magtatanggal sila ng mga tarpaulin, banner at kahalintulad na uri na nakalagay sa mga illegal na lugar; habang hindi tatanggalin ang mga campaign paraphernalia na nasa pribadong lugar gaya sa mga bahay.

Aabot aniya sa isang daang MMDA personnel ang ipapakalat sa iba’t ibang lugar sa Kalakhang Maynila bilang bahagi ng Oplan Baklas.

 

TAGS: #VotePH2016, mmda, #VotePH2016, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.