BDO nagbigay ng 2-months extension sa pagbabayad ng loan at credit card ng kanilang mga kliyente
By Dona Dominguez-Cargullo March 19, 2020 - 09:29 AM
Mayroong animnapung araw o dalawang buwan na extension ang Banco de Oro sa pagbabayad ng loan ng kanilang kliyente.
Ayon sa abiso ng BDO, lahat ng kanilang kliyente na mayroong dute dates hanggang April 15, 2020 ay maaring hindi muna magbayad.
Kabilang dito ang bayarin para sa credit card, auto loan, home loan, SME loan at perosnal loan.
Sinabi ng BDO na nauunawaan nilang mahirap ang sitwasyon ngayon ng lahat ng mamamayan lalo na at mayroong umiiral na enhanced community lockdown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.