Pasig LGU, inihahanda na ang ipamamahaging 400,000 food packs

By Angellic Jordan March 18, 2020 - 06:23 PM

Inihahanda na ng pamahalaang lokal ng Pasig ang mga ipapamahaging 400,000 food packs at ilang bote ng vitanims para sa mga residente ng lungsod.

Ito ay kasabay pa rin ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Mayor Vico Sotto, inihahanda na ang purchase request para sa nasabing bilang ng food packs.

Nasa P397 ang halaga ng kada food pack kung saan kabilang dito ang tatlong kilong well milled rice at tig-dalawang lata ng sardinas, corned beef, corned tuna at meat loaf.

Nasa P158,800,000 ang estimated cost nito.

” Hindi magiging madali ang logistics nito. Hihingi ang lungsod ng tulong sa mga pamahalaan pambarangay para sa distribusyon,” pahayag ng alkalde.

Maliban dito, mayroon ding ipapamahaging 8,000 bote ng Vitamin c at B Complex.

“Mauuna na ang distribusyon nito. Maraming salamat, PHILUSA Corp, sa 10% discount mula retail price. Ipamimigay na natin to sa mga barangay bukas,” dagdag pa ni Sotto.

TAGS: COVID-19, Pasig City, Vico Sotto, COVID-19, Pasig City, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.