Negosyante, nag-donate ng TV set para sa mga detenido
Para malabanan ang pagka-inip ng mga detenido ng Sta. Ana Police Station sa Maynila sa hindi pagdalaw ng kanilang mga mahal sa buhay, isang negosyante ang nagbigay ng television set.
Tinanggap ni Police Lt. Col. Evangeline Martos, hepe ng Sta. Ana police, ang TV set na may TV Plus digital box, mula kay Diosdado Lubiano, may-ari ng Lubiano Trading.
Nabatid na si Lubiano ay miyembro ng Station Advisory Council at aniya ang TV unit ay para may mapaglibangan at hindi mainip ang mga detenido.
Sinuspinde ang pagdalaw sa mga detenido bilang isang paraan para maiwasan na sila ay mahawa ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.