Mga araw na umiiral ang enhanced community guarantine, dapat gawing special non-working holiday
Ipinadedeklara ni BHW partylist Rep. Angelica Co na gawing special non-working holidays ang mga araw habang umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.
Ito, ayon sa mambabatas, ay upang mahikayat ang lahat na manatili na lang sa kani-kanilang tahanan.
Sa ganitong paraan aniya ay mababawasan ang agam-agam ng mga ordinaryong manggagawa na makakaltasan ang kanilang sweldo kung hindi papasok sa trabaho.
Pinasasakop sa deklarasyon ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan, Batangas at Rizal.
Kabilang sa ipinadedeklarang holidays ay March 16 hanggang 21, March 23 hanggang 28, March 30 hanggang April 4, April 6 hanggang 8 at April 12 at 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.