Hindi pagpapalawig ng DOF at BIR sa deadline sa filing ng ITR binatikos

By Erwin Aguilon March 18, 2020 - 12:50 PM

Tinawag na din na walang puso ni House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda ang Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kawalan nito ng kunsiderasyon sa mga taxpayers kahit na humaharap sa krisis ang bansa dahil sa COVID-19.

Ayon kay Salceda, hindi nanghihingi ng pera ang mga tao at handang magbayad ng buwis kundi humihingi lang ng sapat na panahon para gawin ito dahil sa isang buwang quarantine.

Sabi nito, habang ang mga gobyerno sa buong mundo ay awang-awa sa kanilang mamamayan at may nakahandang tulong gaya ng matutuluyan at pagkain ang Pilipinas naman ay ni ayaw i-extend ang deadline sa pagbabayad ng buwis sa April 15.

Binanggit nito na sa mga bansang Indonesia, Vietnam, France at Estados Unidos kung hindi extended ay deferred ang tax payments.

Sa Malaysia, Hongkong at Singapore naman anya ay may stimulus package na may libreng cash incentives sa mga apektadong industriya gaya ng hotel workers, taxi drivers at tour guides.

TAGS: BIR, DOF, tax, BIR, DOF, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.