BI inupakan ni Foreign Affairs Sec. Locsin

By Dona Dominguez-Cargullo March 18, 2020 - 10:49 AM

Muling nakatikim ng banat mula kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin ang Bureau of Immigration.

Sa kanyang post sa twitter, sinabi ni Locsin na ang BI ang may kasalanan kung bakit hindi makalipad ang eroplano ng Philippine Airlines na sasakyan sana ng OFWs na pabalik ng Hong Kong.

Ayon kay Locsin, noong nakaraang buwan pa binasbasan ng Pangulong Duterte ang kanyang mungkahi na payagan nang makabalik ng Hong Kong ang OFWs.

Hindi naman aniya banta sa kalusugan ng mga Pilipino ang naturang Pinoy workers kasi palabas naman sila ng bansa

Una nang inupakan ni Locsin ang Bureau of Immigration dahil sa paglobo ng bilang ng Chinese POGO workers sa bansa.

 

 

TAGS: BI, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Hong Kong, immigiration, Inquirer News, Luzon, OFWs, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, BI, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Hong Kong, immigiration, Inquirer News, Luzon, OFWs, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.