Operasyon ng CNN Philippines suspendido matapos may magpositibo sa COVID-19 sa kanilang gusali
Isang empleyado mula sa ibang tanggapan ang nagpositibo sa COVID-19 sa gusali kung saan naroroon ang opisina ng CNN.
Dahil dito, nagpasya ang CNN Philipines na magsuspinde muna ng kanilang operasyon.
24 na oras na off air ang CNN pero magtutuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay ng balita sa kanilang website, Facebook at Twitter.
“We have prepared for this emergency. For more than two weeks, many of our colleagues have been isolated and working from home already,” ayon sa statement ng kumpanya.
Isasailalim sa disinfection ang Worldwide Corporate Center sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.