Temperatura sa Cotabato City kahapon umabot sa 37.2 degrees Celsius

By Dona Dominguez-Cargullo March 18, 2020 - 07:36 AM

Nakapagtala ng mainit na temperatura sa Cotabato City kahapon, March 17.

Sa datos mula sa PAGASA, 37.2 ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City kahapon.

Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:

San Jose, Occidental Mindoro – 35.5 degrees Celsius
Gen. Santos City – 35.5 degrees Celsius
Batac City – 34 degrees Celsius
Guiuan, Eastern Samar – 34 degrees Celsius

Bahagya namang lumamig ang temperatura sa Metro Manila.

Umabot lang sa 30.4 degrees Celsius ang naitalang highest temperature sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 34 degrees Celsius ganap na alas 12:10 ng tanghali.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, Temperature, weather, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, Temperature, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.