14 ang patay sa gumuhong gusali sa Taiwan, rescue operation tuloy

By Jong Manlapaz February 07, 2016 - 08:54 AM

Taiwan lindolPatuloy ang paghahanap ng mga rescuer sa may 30 katao na hinihilang natabunan ng gumuhong 17 palapag na gusali sa Tainan, Taiwan matapos tumama ang 6.4 magnitude na lindol.

Kinumpirma naman ng Tainan Official na 14 na katao ang nasawi habang tinatayang nasa 500 naman ang nasugatan, 92 dito ay nanatili pa rin sa Hospital.

Mahigit 800 sundalo naman ang ipinadala sa lugar para tumulong sa search and rescue operation, gamit ang mga hi-tech equipment at ang 23 rescue dogs at 16 helicopters.

Ang gumuhong 17 storey Wei Kuan apartment complex ay tinutuluyan ng tinatayang 256 na katao, at posibleng nadagdagan ito dahil sa pagdiriwang na rin ng Chinese New Year.

Nangako naman si President Ma Ying-jeou na nagpunta sa Tainan, na gagawin nila ang lahat para mailigtas ang mga taong nasa loob pa ng gumuhong gusali.

Ayon naman kay Interior Chen Wei-jen, magsasagawa sila ng imbestigayon kung ang building’s construction ba ay sapat ang mga requirement.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.