Magnitude 4.1 na lindol, yumanig sa Occidential Mindoro
By Angellic Jordan March 17, 2020 - 02:33 PM
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Abra De Ilog, Occidental Mindoro Martes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 14 kilometers Northwest ng Abra De Ilog dakong 1:06 ng hapon.
102 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang instrumental Intensity 2 sa Calatagan, Batangas.
Wala namang napaulat na nasira sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.