Nanindigan ang Philippine Coast Guard na mahigpit nilang pinaiiral ang “no sail policy” sa mga passenger vessels sa mga lugar na nasa ilalim ng community quarantine katulad ng Manila Bay.
Gayunman, sinabi ng PCG na maaari pa ring makapamalakaya ang mga mangingisda gamit ang mga legal na kaparaanan ngunit kailang sumunod sila sa mga itinakdang health protocol and safety guidelines ng (PCG), PNP – Maritime Group at ng Philippine Navy (PN).
Ayon sa PCG, sa sandaling pinatigil, kailangang agad na huminto ang isang fishing vessel at ipresenta ang lahat ng tripulante sa mga boarding team upang sila ay maisalang sa thermal check-up.
Sa sa lahat ng fishing boat captains, huwag payagan, ibukod o ilagay sa restricted cabin ang sinumang mangingisda na makikitaan ng flu-like symptoms at/o kaya ay ireport sa PCG o ibalik sa pantalan sa sandaling matuklasa na may sakit ang isang tripulante.
Mahigpit ang tagubilin ng PCG na huwag pasasakayin ng vessel, huwag pahihipuin o pahahawakin ng mga karga at mga huling isda ang isang may sakit na crew.
Para sa mga maliliit na mangingisda, kanselahin na lamang ang paglalayag kung hindi maganda ang nararamdaman o kung may sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.