Tricycle papayagan pa ring bumiyahe sa Pasig para may masakyan ang health workers
Papayagan pa rin ang pagbiyahe ng mga tricycle sa Pasig City sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mahalagang makapasok sa kani-kanilang trabaho ang mga health workers.
Dahil dito dapat mayroon pa ring bumibiyahe kahit ang mga tricycle lamang.
May mga sasakyan aniya ang city government pero hindi ito sasapat.
Maglalabas ng guidelines si Sotto sa pagpayag na makabiyahe ang mga tricycle.
agamit natin ang mga sasakyan ng lungsod para sa #LibrengSakay pero kulang na kulang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.