Nakasailalim na sa state of calamity ang Valenzuela City.
Ito ay matapos ipasa ang resolution no. 1629 bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Samantala, ipinatutupad na ang “stay at home” ordinance.
Sa ilalim ng Ordinance no. 670, hinihikayat ang mga residente sa lugar na manatii sa mga tahanan at iwasan munang magtungo sa mga pampublikong lugar simula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.
Ito ay kasabay nasa ilalim ng community quarantine ang Metro Manila.
Hindi sakop nito ang mga health worker, otorisadong opisyal ng gobyerno, nahalal ng opisyal ng barangay at iba pang nagtatrabahao sa punong barangay, on-duty na night shift meployees, magbibigay ng pangunahing serbisyo tulad ng trade , retailers, operators, at drivers ng mga sasakyan at nagtatrabaho sa gas station.
Hindi rin kasama sa ordinansa ang mga pupunta sa airport para pumunta sa ibang bansa, nagtatrabahong papunta o pauwi mula trabaho, naglalakbay para sa mga medical at humanitarian reason at skeletal workforce ng LGU.
Sinumang lalabag ay pagumultahin ng P5,000.
Maliban dito, pasado na rin sa konseho ang Ordinance no. 672 na nagbabawal sa gaming, betting at gambling sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.