Lalaki pumalag sa quarantine checkpoint, inaresto

By Jan Escosio March 16, 2020 - 06:40 PM

Nahaharap sa kasong resistance and disobedience to a person in authority ang isang 55-anyos na lalaki na nagwala sa quarantine checkpoint sa Valenzeula City.

Kinilala ang naaresto na si Dionisio Bonote.

Ayon kay NCRPO Director Debold Sinas, 9:40 Lunes ng umaga (March 16) nang arestuhin si Bonote sa Mac Arthur Highway, Malanday, Valenzuela City boundary ng Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat, abala ang mga pulis sa pagsasagawa ng quarantine check nang dumating ang suspek na sakay ng bisikleta.

Nabatid na tumanggi na sumailalim sa thermal scanning ang suspek at ayaw din nitong magpakilala.

Kasunod nito ay pinagmumura pa niya ang kaharap na pulis bago nagwala nang aarestuhin na.

Mahaharap din sa mga kasong alarm and scandal at unjust vexation in relation to EO 028-C (Community Quarantine) si Bonote.

TAGS: community quarantine, COVID-19, Dionisio Bonote, NCRPO, community quarantine, COVID-19, Dionisio Bonote, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.