Sen. Hontiveros, sinabing dapat bigyan agad ng hazard pay ang COVID-19 frontliners
Nanawagan si Senator Risa Hontiveros na agarang mabigyan ng hazard pay ang mga ‘government frontlners’ sa para hindi na dumami pa ang may taglay ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Tinutukoy ng senadora ang health workers, government service workers, sundalo, pulis at mga miyembro ng security force.
Diin ni Hontiveros, malaki ang isinasakripisyo ng mga ito kayat dapat silang ituring na mga bagong bayani para hindi na lumala pa ang sitwasyon at agaran mabigyan ng tulong ang mga apektado.
Paliwanag pa ni Hontiveros, sa ilalim ng Republic Act 7305 o ang Magna Carte of Public Health Workers, ang mga doktor, nurse at iba pang health workers sa pampublikong sektor na nahaharap sa panganib sa pagtupad sa kanilang tungkulin ay dapat bigyan ng karagdagang hazard pay na hindi bababa sa 25 porsyento ng kanilang buwanang suweldo.
Ang panawagan na ito ng senadora ay para hindi sa mga nasa pribadong sektor dahil dapat din bigyan ng dagdag benepisyo ang mga taga-media, guwardiya, bank tellers, shopping attendants at ang mga hotel and restaurant workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.