Mga tauhan ng Philippine Coast Guard itatalaga sa mga istasyon ng MRT at LRT
By Dona Dominguez-Cargullo March 16, 2020 - 09:36 AM
Magpapakalat ng mga tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga istasyon ng LRT at MRT.
Ayon sa PCG, 24/7 ang gagawing pagbabantay at ng mga tauhan ng kanilang Task Force Laban COVID-19 sa anim na Integrated Advance Command Posts (IACPs) sa National Capital Region.
Magde-deploy ng limang PCG personnel sa bawat istasyon ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 simula ngayong araw.
Sila ay tutulong para maayos na maipatupad ang “social distancing” sa mga istasyon ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.