Mga kumpanya ng langis may malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo

By Dona Dominguez-Cargullo March 16, 2020 - 04:45 AM

May mahigit apat na pisong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula ngayong araw, March 16.

Sa abiso ng kumpanyang Sea Oil mayroong bawas na P4.25 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina at diesel at P4.35 sa kada lirto ng kerosene alas 6:00 ngayong umaga ng Lunes, March 16.

Ang kumpanyang Shell at Chevron naman, may parehong halaga ng rollback sa kanilang produktong bukas (March 17) ng alas 12:01 ng madaling araw.

Ang Flying V at Petron bukas ng alas 6:00 ng umaga ang rollback na P4 sa presyo ng kada litro ng diesel at gasolina at P4.50 sa presyo ng kada litro ng kerosene.

P4.25 din ang rollback ng kumpanyang Petro Gazz sa kanilang produktong diesel at gasolina epektibo bukas ng alas 6:00 ng umaga.

Ang Phoenix Petroleum ay nauna nang nagpatupad ng P3 rollback sa presyo ng kanilang diesel at gasolina noong Biyernes.

Pero nag-abiso ito na bukas ng umaga ay magpapatupad pa ito ng dagdag na P1.25 sa kada litro ng gasolina at diesel.

 

TAGS: BUsiness, Inquirer News, oil price, oil products, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, oil price, oil products, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.