BREAKING: Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 140 – DOH
By Angellic Jordan March 15, 2020 - 05:09 PM
Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 12:00, Linggo ng tanghali (March 15), nasa 29 ang karagdagang kaso ng sakit.
Dahil dito, umabot na sa 140 ang kabuuang bilang ng COVID-19 positive patients sa Pilipinas.
March 15 nang simulan ang community quarantine sa Metro Manila para maiwasan ang paglaganap ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.