Bilang ng pasasakaying pasahero sa MRT-3, lilimitahan sa 30 hanggang 33 pasahero sa kada train car
Lilimitahan ang bilang ng pasasakaying pasahero sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ito ay kasunod pa rin ng mahigpit na pagpapatupad ng social distancing bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, kokotrolin din ang pagpasok ng mga pasahero sa istasyon at bilang ng mga naghihintay sa platform area.
Paalala ng MRT-3, kailangang magkaroon ng isang metrong distansya ang mga pasahero sa bawat isa.
May mag-aantabay din na MRT-3 personnel sa ibaba ng istasyon para magbigay-paalala sa mga pasahero ukol sa social distancing.
Humiingi naman ng paumanhin ang MRT-3 sa abalang maaaring maidulot ng mga inisyatibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.