Bilang ng COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 100

By Dona Dominguez-Cargullo March 14, 2020 - 09:18 PM

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nadagdagan ng 13 pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 111 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Patuloy pang kumakalap ang DOH ng impormasyon hinggil sa mga bagong kaso ng sakit.

Kasabay nito, hiniling ni Health Secretary Francisco Duque III ang kooperasyon ng bawat isa para maiwasan ang paglaganap ng virus sa bansa.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na magbahagi at magpakalat lamang ng mga kumpirmadong impormasyon partikular ang mga inilalabas ng DOH.

TAGS: covid cases, doh, Health, State of Public Health Emergency, covid cases, doh, Health, State of Public Health Emergency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.