Ipatutupad ang social distancing o pagdistansya ng isang metro sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).
Sa anunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA), layon nitong mapigilan ang paglaganap ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Ipatutupad ang social distancing sa loob ng mga tren at istasyon.
Bahagi rin anila ito ng pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte habang hinihintay ang panuntunan na ilalabas ng Department of Transportation (DOTr).
Hiniling naman ng LRTA sa kanilang mga pasahero ang kooperasyon at pang-unawa para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.